BARBIE AT KEN copy

Si Ken Chan ang pinakasikat sa apat na leading men ni Barbie Forteza sa Meant To Be, batay ito sa reaction ng fans tuwing may mall show ang cast. Idagdag pa ang reaction ng netizens kapag tinatanong kung sino ang mas bagay kay Billie (Barbie).

Naglalaban naman sa second spot sa pinakagusto ng fans para kay Billie sina Ivan Dorschner at Jak Roberto. May episode, na mas marami ang may gusto kay Jak at pumapangatlo lang si Ivan. May iba ring si Addy Raj naman ang gusto.

Masaya, pero nagugulat si Ken sa pagtanggap ng viewers sa karakter niyang si Yuan Lee.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Ang sarap ng feeling na after Destiny Rose, tinanggap ako ng viewers bilang si Yuan Lee. Akala ko magagalit ang tao dahil sa character ko na masungit at hindi marunong ngumiti, pero tanggap nila ako. Although may mga nagagalit, pero mas marami ang natutuwa. Hintayin nila at malapit nang ngumiti si Yuan,” pangako ni Ken.

Ipinagmamalaki ni Ken na walang competition sa kanila nina Ivan, Addy at Jak, at sa katunayan ay nagtutulungan at nagsusuportahan pa nga sila.

“Si Jak matagal ko nang kilala, magkasama na kami sa Walang Tulugan. Si Ivan, first time ko makilala at makatrabaho at si Addy, nakilala ko na sa isang audition two years ago. Hindi ko ini-expect na mabilis kaming magiging comfortable working together. Ang fans lang ang may competition, kaming apat wala at isa ‘yun sa mga rason kung bakit masaya sa set,” kuwento ni Ken.

Hindi pa alam ni Ken kung sino ang makakatuluyan ng karakter ni Barbie, ibabatay ni Direk LA Madridejos at ng mga writer sa reaction ng fans/viewers.

Kung ‘yun na nga ang magiging basehan, si Ken na at ang karakter niyang si Yuan ang panalo. Ang KenBie team ang gusto ng viewers na magkatuluyan. (Nitz Miralles)