TARLAC CITY – Isang live-in partners na hinihinalang tulak ng droga ang nalambat ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation ng mga ito sa Skyland Subdivision sa Barangay San Isidro, Tarlac City, kahapon ng umaga.

Base sa report ni PO1 Raffy Calma kay Tarlac City Police chief, Supt. Bayani Razalan, arestado sina Roderick Flores, alyas Derek, 26, binata; at Manaoag Joy Ibarra, alyas Joyce, 23, kapwa taga-Zone 4, Bgy. San Isidro, Tarlac City.

Ayon naman kay SPO1 Roderick Hebreza, na poseur buyer sa operasyon, nakarekober sila ng isang plastic sachet na may 0.04 na gramo ng shabu kapalit ng tatlong P100 kay Flores, na inantabayanan ni Ibarra.

Nakuhanan pa ang mga suspek ng 0.100 gramo ng shabu, mula kay kay Flores, at 0.063 gramo naman kay Ibarra.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Leandro Alborote)