Dahil umano sa kahirapan kaya nagawa ng isang lalaki, umano’y miyembro ng “ Kuratong Group” na nagpapanggap na lehitimong taxi driver, na holdapin ang kanyang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Sa follow-up operation ng mga tauhan ng Special Task Group (STG) ng Airport Police Department sa NAIA Terminal 3, nadakip ang suspek na si Victorino Duldulao, 36, driver ng Bernadell taxi (UWN-692), at nakatira sa No. 1696 F. Munoz Street, Tramo, Pasay City, makaraang maaktuhang naghihintay ng mga pasahero nitong Miyerkules.

Kahapon, nanginginig sa nerbiyos si Duldulao nang iharap kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal at sa media.

Mismong si Ralph Perez, isa sa mga nabiktima ni Duldulao, ang nag-post sa Facebook sa pananakot sa kanya ng suspek habang sakay sa nasabing taxi nang magpahatid siya sa Makati City kung saan sinisingil siya ng suspek ng P300 kada kilometro.

National

'Unahan ko na kayo!' Jam Magno, kusang sumuko sa CIDG sa Butuan City

Napilitang pumayag si Perez sa labis na takot at nagpababa sa isang ATM machine na kanilang nadaan upang magkunwaring magwi-withdraw ng pera para mabayaran ang pamasahe.

Pagbaba ng biktima agad na kinunan ng litrato, gamit ang kanyang cellphone, ang naturang taxi na napansin naman ni Duldulao kaya agad nitong pinaharurot ang sasakyan.

Nakarating naman ito sa MIAA kaya inatasan ni AGMSES Col. Allen Capuyan ang STG-APD, sa pamumuno ni APOII Roderick Mejia, upang tugisin ang nasabing grupo.

Lumitaw na colorum ang pinapasadang taxi ng suspek dahil peke ang plakang nakakabit dito. (BELLA GAMOTEA)