TARLAC CITY - Isang engineer na may-ari ng construction company ang pinagbabaril ng riding-in-tandem criminals sa loob ng construction site sa Phase 2 ng Forest Lake Memorial Park sa Irrigation Bypass Road, Barangay Binauganan, Tarlac City, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni PO3 Benedict Soluta kay Tarlac City Police chief Supt. Bayani Razalan, ang pinatay ay kinilalang si Engr. Marcelino Ibarra, 50, may asawa, may-ari ng MEI Construction and Trading, at residente ng Bgy. Dalayap, Tarlac City.

Napag-alaman na dakong 9:45 ng umaga at nakikipag-usap si Ibarra kay Larry Cortez, driver ng mini dump truck, sa construction site nang lumapit ang dalawang magkaangkas sa motorsiklo at niratrat ang biktima. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog