CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga – Kung hindi sinibak sa puwesto at inilipat ng himpilan ang lahat ng 44 na operatiba ng Angeles City Police (ACPO)-Station 5, kabilang na ang mga opisyal nito, makaraang pormal nang maihain ang reklamo laban sa pitong pulis na sangkot umano sa pagnanakaw, pangingikil, pagdukot at illegal detention ng tatlong turistang South Korean noong Disyembre ng nakaraang taon.

Ito ang inihayag ni Chief Supt. Aaron N. Aquino, director ng Police Regional Office (PRO)-3, sa case conference nitong Martes sa mga kinatawan ng Korean Community Association sa Angeles City, na dinaluhan din ng mga lokal na pamahalaan at lahat ng city at provincial police director sa rehiyon.

Sinabi ni Aquino na kabilang sa 44 na nasibak sa puwesto ang pito na isinailalim sa restrictive custody matapos silang akusahan ng ilegal na pagpigil at pangingikil sa tatlong Korean. Ililipat sa ibang istasyon ng pulisya ang iba pang mga pulis.

Hindi naman pinangalanan ng PRO-3 ang mga nasibak na pulis dahil hindi pa tapos ang imbestigasyon sa mga ito.

Probinsya

7-anyos na batang babae, ginahasa at itinapon sa balon

Ayon kay Aquino, naghain na si Lee Ki Hoon, isa sa mga biktimang Korean, ng mga kasong robbery at kidnapping laban sa pitong pulis.

Bumalik kamakailan si Lee sa Pilipinas upang magbigay ng pormal na pahayag laban kina PO1 Jayson Ibe, PO1 Ruben Rodriguez II, PO1 Mark Joseph Pineda, PO2 Richard King Agapito, PO3 Arnold Nagayo, PO3 Roentjen Domingo at PO3 Gomerson Evangelista sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Kasama niya ang testigong si Tomas Jung, na umano’y nag-abot ng ransom sa mga akusadong pulis.

Una nang naghain ng reklamo sa CIDG laban sa pitong pulis si Park Min-hoon.

Pinasok umano ng pitong pulis ang mga bahay ng mga dayuhan at inakusahan silang sangkot sa illegal online gambling.

Tinangay din umano ng nasabing mga pulis ang mahahalagang bahay mula sa kani-kanilang bahay, gaya ng mga alahas, pera at bag. (FRANCO G. REGALA)