MISS BULGARIA copy copy

INIHAYAG ni Miss Universe Bulgaria Violina Ancheva na ipagkakaloob niya ang blue gown na kanyang isinuot sa opening ceremony ng preliminary round ng 65th Miss Universe noong Lunes. Sa hangaring bago bumalik sa kanyang bansa ay makapagbigay muna ng munting kasiyahan sa isang Pilipina.

Ang announcement ay ipinost niya sa kanyang Facebook account ilang oras pagkatapos ng coronation rites.

“To my Filipino friends: Dear friends, I would like to give as a present my Miss Universe Gown (on the picture) to one of you that really want it and need it. I want to give the dress to a girl in need that can’t buy a dress for her prom the next month.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kalakip nito ng kanyang litrato suot ang kanyang navy blue, two-piece top, at tulle skirt set na likha ng Amerikanong fashion designer na si Sherri Hill, ang mismong damit na nais niyang ibigay.

Ang kailangan lang gawin ng nais humingi ng gown ay magpadala ng kanilang personal na mensahe sa kandidata at sa mas lalong madaling panahon dahil babalik na siya sa Bulgaria sa lalong madaling panahon.

Hiniling din ni Ancheva sa mga Pilipino na i-share ang kanyang post upang mapalaganap ang balita at agad na makahanap ng bagong magmamay-ari ng gown.

Muli siyang nag-post kahapon ng, “Please, only peope from Manila to write me, beacause I am leaving in 2 hours. Send me your phone numbers!”

Marami ang natuwa at humanga sa kabaitan ni Miss Bulgaria, kaya habang sinusulat ang artikulong ito, mayroon nang 144,000 likes at 24,479 shares ang kanyang post noong Lunes. Patuloy pa rin sa paghakot ng likes at shares ang naturang post. (DIANARA T. ALEGRE)