NAAGAW ni Pinoy fighter Robert Onggocam kay Indonesian Iwan Zoda ang IBF Youth flyweight title sa impresibong 7th round technical knockout (TKO) nitong Linggo sa Ngabang, Indonesia.

Hindi natakot ang kaliweteng si Onggocam na makipagsabayan sa knockout artist na si Zoda at maganda ang naging palitan nila ng suntok hanggang mapabagsak niya ito eksaktong 58 segundo ang natitira sa 7th round.

Ito ang unang laban ng tubong Zamboanga del Norte na si Onggocam sa ibayong dagat at napaganda niya ang kanyang kartada sa 8-1-0 win-loss-draw na may 4 panalo sa knockouts.

Bumagsak ang kartada ng 20-anyos din na si Zoda sa 13-2-0 win-loss-draw na may 12 pagwawagi sa knockouts na natamo ang bakanteng IBF Youth flyweight title noong Abril 2, 2016 nang patulugin sa 3rd round si Scilveszter Kanalas ng Hungary sa Pontianak, Indonesia. (Gilbert Espeña)

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!