Mga Laro Ngayon

3:00 n.h. -- Batangas vs Victoria Sports-MLQU

5:00 n.h. -- Racal Ceramica vs. AMA Online Education

MAKAMIT ang ikatlong sunod na dikit para mapanatili ang kapit sa liderato ang pakay ng AMA Online Education kontra sa matikas ding Racal Ceramica ngayong hapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 2017 PBA D League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Tatay ni Caloy, ‘ginatasan’ daw ng anak: ‘Kinuha niya semilya ko, ginanyan na kami!’

Nakatakdang magtuos ang dalawang koponan sa tampok na laro ganap na 5:00 ng hapon kasunod ng unang laban sa pagitan ng mga baguhang koponang Batangas at Victoria Sports-MLQU.

Para kay Titans coach Mark Herrera, panibagong pagsubok ang kanilang susuungin kontra Tile Masters.

“Another tough team, I just hope we continue to execute our plays especially our defense, “ aniya.

Gaya ng naunang dalawa nilang panalo, inaasahang mamumuno para sa Titans sina Jeron Teng at Juami Tiongson kasama sina Ryan Arambulo, Jay-R Taganas at ang ipinagmamalaking tuklas galing ng AMA na si Genmar Bragais.

Sa kabilang dako, inaasahan namang mangunguna para sa tropa ni coach Jerry Codiñera sina Rey Nambatac, Lervin Flores, Allan Mangahas, Roeder Cabrera at Thomas Torres.

Samantala sa unang salpukan, iiwas na mahulog sa laylayan ng team standings and Batangueño na nakakadalawa ng talo , pinakahuli sa Jose Rizal University habang hangad ding makalihis sa ikalawang sunod na talo ang katunggali nilang Victoria Sports- MLQU na nabigo sa Wangs sa una nilang laro. (Mafivic Awitan)