CAST NG 'ALYAS ROBIN HOOD' copy copy

PINANGUNAHAN ni Dingdong Dantes ang cast ng Alyas Robin Hood sa very successful Thanksgiving Mall Show nila sa Market! Market! last Friday. Present din ang leading ladies niyang sina Megan Young at Andrea Torres at iba pang cast ng top rating action series ng GMA-7.

Kinantahan ni Dingdong ang audience ng medley ng hit songs ng Eraserheards at sa napanood naming video, dinig ang malakas na hiyawan at palakpakan hanggang matapos siyang kumanta.

Sumayaw naman si Andrea na labis na kinagiliwan ng audience at tuwang-tuwa ang karamihan na makita siya nang personal.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

‘Katawa ang comments na totoo raw palang sexy si Andrea at hindi lang sa TV. Masaya ang fans na makita sa personal ang aktres na gumaganap sa role ni Venus.

Kasama rin sa mall show sina Paolo Contis, Antoinette Garcia, Lindsay de Vera, Pauline Mendoza, Dave Bornea, Anthony Falcon, Michael Flores, Caprice Cayetano, Rob Moya at Sid Lucero. Sa main cast, sina Jaclyn Jose, Rey Abellana, Gary Estrada at Cherie Gil lang ang wala.

Kung tama kami, hanggang February 10 na lang ang airing ng Alyas Robin Hood, kaya ‘wag bibitaw sa nalalabing sampung araw nito. Marami pang mangyayari, maraming twist na ikagugulat ng viewers.

Kapag natapos ang Alyas Robin Hood, mapapanood si Dingdong na host ng docu drama na Case Closed. Babalikan din niya ang muling paggawa ng pelikula. (Nitz Miralles)