NI hindi pala naisip ni Sheryl Cruz na muli silang magsasama-sama sa proyekto ng mga kaibigan niyang sina Manilyn Reynes at Tina Paner. 

Sabi ni She nang makausap namin kamakailan, simula nang iwanan niya ang showbiz maraming taon na ang nakararaan, hindi na niya inasahan na muli silang magkakasama-sama nina Tina at Mane.

Kaya napakalaki ng pasasalamat nila sa Kapuso Network na muling nabuo ang Triplets sa seryeng Meant To Be. 

“Masayang-masaya kaming tatlo, magaan ang pakiramdam namin sa isa’t isa siyempre. Kumbaga, andu’n pa rin ang tsikahan sa mga nakaraan namin lalung-lalo na ‘yung mga panahon namin sa That’s Entertainment. 

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Kahapon, eh, nag-guest kaming tatlo sa Sarap Diva. Ang kakalugan naming tatlo, eh, hindi nawawala. Sana mapanood ninyo this February 4 (ang airing),” sey ni She. 

Bukod sa Meant To Be ay busy rin si Sheryl sa mga live show at TV guestings. Pero hindi niya napapabayaan ang pagiging ina ng kanyang anak na si Ashley, na Grade 10 na ngayon. 

“Im very proud of my daughter. Fifteen years old na siya and she’s an honor student sa St. Paul Quezon City. Kahit single mom ako, eh, hindi ko p’wedeng basta na lang ipaubaya sa ibang tao ang pag-aasikaso sa anak ko,” sabi ni Sheryl. 

Paano naman ang lovelife niya? Hindi ba siya naiinggit sa pinsan niyang si Sunshine Cruz na meron na ngayong Macky Mathay? 

“Bakit naman ako maiinggit? May mga nanliligaw naman sa akin. Sa totoo lang, eh, I have not decided nga kung sino ang sasamahan ko for Valentine’s Day,” napatawang saad ng aktres. 

Samantala, binanggit din ni Sheryl na nasa Pilpinas ngayon kanyang ina, ang dating aktres na si Rosemarie Sonora kaya madalas silang magkakasama ng magkakapatid ngayon. (JIMI ESCALA)