NEW YORK/WASHINGTON (Reuters, AFP) – Libu-libong katao ang nag-rally sa mga lungsod at paliparan ng US noong Linggo upang magpahayag ng kanilang galit sa executive order ni President Donald Trump na nagbabawal ng pagpasok ng mga biyahero mula sa pitong bansang Muslim.

Ang kautusan, na nagbabawal sa pagpasok ng Syrian refugees at sinususpindi ang pagtungo sa United States ng mga nagmula sa Syria, Iraq, Iran, Sudan, Libya, Somalia, Sudan, at Yemen dahil sa seguridad ay nagresulta sa detention o deportasyon ng daan-daan taong dumarating sa mga paliparan ng US.

Sinabi ng administrasyon na hindi maaapektuhan ang permanent residents ng ban, matapos magkalituhan sa implementasyon nito.

“Green card holders as a matter of a policy are exempt from the EO (executive order) through the national interest waiver,” sabi ng isang mataas na opisyal sa conference call sa White House.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na