ANG kantang You na original ni Basil Valdezang theme song ng My Ex and Whys na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil sa direction ni Cathy Garcia-Molina.
Showing ang pelikula sa February 15, a day after Valentine’s Day -- kaya considered pa rin itong Valentine’s offering ng Star Cinema.
May magandang dialogue si Liza sa pelikula at siguradong gagayahin ng couple na magbi-break. Tanong ng karakter ni Liza na si Cali kay Gio (Enrique), “Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako” at nang sagutin ng “No” ni Gio, sumagot uli si Liza ng, “Then why?”
Hinihintay ang My Ex and Whys ng fans ng LizQuen na sabik nang muling mapanood sa big screen ang kanilang favorite love team.
Sa napanood naming trailer, hindi sila mabibigo dahil maraming kilig scenes sina Liza at Enrique.
Siguradong may sisigaw sa sobrang kilig doon sa eksenang nasa kama ang dalawa. (Nitz Miralles)