IN demand si Barbie Forteza at ang apat niyang leading men sa Meant To Be na sina Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner at Addy Raz sa mall shows at iba pang events.

Noong nakaraang January 14, sila ang tampok sa Sinulog Festival sa Cebu City at noong January 21, nasa Dinagyang Festival naman sila sa Iloilo City. 

Labis-labis ang pasasalamat nina Barbie sa fans nila na sumuporta at pumuno sa kanilang mall shows.

Ngayong Linggo, January 29, ratsada rin angMeant To Be cast na dadayo sa SM City Rosario in Cavite para sa isang mall show at 5:00 PM. Makakasama rin nila ang kasama nila sa rom-com series, sina Sef Cadayona at Mika dela Cruz.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ang mga hindi makakapunta sa SM City Rosario, iniimbita naman nina Barbie, Ken, Jak, Ivan at Addy na manood ng kinagigiliwang ngayong original comedy game show na People vs The Stars hosted by Drew Arellano and Iya Villania.

Sa taping pa lang ng said show, kinilig na ang kanilang fans sa kulitan ng lima. 

Tingnan natin kung pagbibigyan nila ang fans para manalo o kung sila ang makakuha ng malaking cash prize.

Laging masaya ang game show nina Drew at Iya na hindi lang ang fans sa studio ang nakakakuha ng premyo kapag hindi nakasagot ang mga stars kundi pati ang mga manonood na nakakasagot sa tanong through texting. 

Napapanood ang People vs. The Stars tuwing Linggo 5:00 PM, pagkatapos ng Kapuso Movies. (NORA CALDERON)