TARLAC CITY – Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Tarlac City Police para matukoy kung sino ang nasa likod ng riding-in-tandem criminals na pumaslang sa isang 38-anyos na lalaki sa Zone 7, Sitio Bacuit, Barangay Tibag, Tarlac City, nitong Huwebes ng hapon.

Pinagbabaril ng tandem si Jimmy Espinosa, may asawa, ng nasabing barangay.

Batay sa record ng pulisya, boluntaryong sumuko kamakailan si Espinosa sa Oplan Tokhang matapos mapabilang sa listahan ng drug personalities ng Tarlac City Police. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog