Gloria lang copy

MALALAMAN na bukas kung tama ang mga pahayag ni 1969 Miss Universe Gloria Diaz na hindi mananalong Miss Universe 2016 si Miss Universe Philippines Maxine Medina. 

Tuwing naiinterbyu nga yata si Ms. Gloria at natatanong sa chances ni Maxine, lagi niyang sinasabing hindi mananalo ang contestant natin.

Sina Miss Canada, Miss Venezuela, Miss Dominican Republic, Miss Thailand at Miss China ang top five sa list ni Gloria. Isa raw sa kanila ang mananalo at batay ito sa nakita at naobserbahan niya sa mga dinaluhang Miss Universe event.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May paliwanang si Gloria kung bakit hindi mananalo si Maxine sa interview sa kanya na umere sa ABS-CBN: “She cannot be the winner. She can be first runner-up. I hope I’m proven wrong for the first time in my life. I want her to win.

I want us to be so proud, but you know, that’s life.”

Pero ang ibang celebrities, suportado si Maxine at nanawagan silang tigilan ang pamba-bash sa ating kandidata.

Sabi ni Anthony Taberna: “Wala tayong dapat gawin kungdi ang suportahan, palakasin ang loob at ipaglaban ang ating pambato sa Miss Universe Beauty Pageant na si @maxine_medina. Kung meron man siyang pagkukulang o kapintasan sa paningin mo o ng ibang kapwa natin Pilipino na daig pa ang dyosa kung makapuna, nakikiusap ako na kimkimin n’yo na lamang muna. 

“Hindi ito ang panahon para tayo magkahati-hati, magkawatak-watak. Ito ang angkop na panahon para ipakita sa mundo na kaya nating magkaisa lalo’t hindi lamang ang sarili ang kinakatawan ni Maxine kungdi ikaw, ako at tayong lahat na mga Pilipino. Kung nakapintas ka na o sa ibang salita, kasama ka sa mga naunang bashers -- puwede kang bumawi.

“Ipanalangin mo na bigyan ng galing, talino, lakas at sapat na tiwala sa sarili si Maxine. Pangalawa, iboto si Maxine. Maging proud ka bilang Pilipino -- sa isip, salita at sa gawa. United we stand. Divided we fall.”

Maganda rin ang sinabi ni Charlene Gonzales, ang naging kinatawan natin noong 1994, nang huling ganapin sa atin ang Miss U: “Sending my love and support to Miss Philippines @maxine_medina. Maxine is a beautiful girl and this is her moment to shine. I look forward to meeting her someday and would love to exchange stories of the experience she went through and is going through as our host candidate for the Miss Universe. We both had been given the honor and privilege to represent our country in our home town and that is a gift that we both will forever cherish, appreciate and be grateful for. The love and support of the Filipinos is incomparable, awesome, admirable and amazing...

“Maxine, as you represent our country in the Miss Universe, I want you to know that we are all behind you and cheering you on. Also, please know in your heart, you are already a winner to us. I know you will make us proud.”

(NITZ MIRALLES)