Ara copy

NAAYOS na ang hindi pagkakaunawaan ni AraMina at ng GMA Network management tungkol sa post niya sa kanyang social media accounts na gusto na niyang mag-quit sa isang project na ginagawa niya. 

Ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa ang tinutukoy niya, na nang magkaroon ng presscon ay hindi niya dinaluhan. Kaya hindi malaman maging ng director nilang si Gina Alajar kung ano ang gagawin dahil marami na raw nai-tape na eksena si Ara. 

Tanong nga raw ni Direk Gina sa production, mag-uulit ba sila ng eksena kung hindi na babalik si Ara sa serye?

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Nitong nakaraang Biyernes ng gabi, nag-post na si Ara sa Instagram na nagkaayos na siya at ang GMA.

“Last January 6, 2017, nag-post ako both on Instagram and Facebook na gusto ko nang mag-quit sa isang project. The said post called the attention of the prod staff of Pinulot Ka Lang Sa Lupa and the bosses of GMA-7. Nagkausap na kami ng mga boss at nagkalinawagan na rin. May mga concerns lang talaga ako that needed to be ironed out.

“However, I also want to apologize for my action of posting my emotions on social media. Alam ko madami sa inyo ang na-bother at nag-worry and I truly appreciate your support. Everything’s okay now.

“Thanks to the bosses of GMA-7 for understanding me. Peace to all.”

Tamang-tama ang pakikipag-ayos ni Ara sa GMA-7 dahil bukas na ang pilot telecast ngPinulot Ka Lang Sa Lupa na nagtatampok din kina LJ Reyes at Julie Anne San Jose withJean Garcia, Benjamin Alves, Martin del Rosario, Victor Neri, Allan Paule, Geleen Eugenio, Janna Dominguez at Lharby Policarpio.

Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes, 4:15 PM. (NORA CALDERON)