Upang magkaroon ng pagkakataon sa unification bout kay WBC super flyweight champion at No. 1 pound-for-pound boxer Roman “Chocolatito” Gonzalez ng Nicaragua, kailangang impresibong maidepensa ni Pinoy boxer Jerwin Ancajas ang kanyang IBF junior bantamweight crown sa pagpapatulog kay Mexican challenger Juan Alfredo Rodriguez ngayong gabi sa Cotai Arena, Venetian Resort, Macao, China.

Para sa 25-anyos na tubong Panabo City, Davao del Norte at kilala sa bansag na “Pretty Boy,”, tanging sa panalo via knockout sa beteranong si Rodriguez lamang siya mapapansin sa pandaigdigang eksena sa boksing tulad ng kanyang promoter na si eight-division world titlist Manny Pacquiao.

Si Pacquiao, sa pamamagitan ng MP Promotions, ang nagbigay ng pagkakataon kay Ancajas na naging mandatory contender ng dating kampeon na si Purto Rican McJoe Arroyo na pinabagsak ng Pilipino sa ikawalo at tinalo sa 12-round unanimous decision noong Setyembre 3, 2016 sa Taguig City.

“Sisikapin ko pong manalo para sa bayan at magkaroon ng pagkakataong makaharap si Chocolatito Gonzalez,” sabi ni Ancajas bago bumiyahe patungong China. “Sapat na po ang sparring ko, marami akong natutuhan kay Drian (Francisco).”

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

May rekord si Ancajas na 25-1-1 draw na may 16 panalo sa knockouts samantalang si Rodrigo na nakalistang No. 15 sa IBF rankings ay may rekord na 32-4-0 na may 19 pagwawagi sa knockouts. (Gilbert Espeña)