HANDA na ang pamilya Kardashian at Jenner para sa kanilang kapana-panabik na bakasyon sa Costa Rica.

“They are all excited about the trip,” saad ng Keeping Up with the Kardashians source sa People tungkol sa pamilya, na umalis patungong Costa Rica nitong Huwebes. “It will be relaxing for them, but also adventurous with activities like rain forest zip-lining planned. They will be filming for the show the whole time.”

Ayon sa source, magkakasama sa bakasyon sina Kim Kardashian-West at ang dalawang anak na sina North, 3, at Saint, 1; Kourtney Kardashian at ang kanyang tatlong anak na sina Mason, 7, Penelope, 4, at Reign, 2; at Kris Jenner at Corey Gamble kasama si Khloe Kardashian at si Kylie Jenner at boyfriend na si Tyga pati na rin ang anak na si King.

Kapansin-pansin na hindi kasama sina Kanye West at Scott Disick.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Scott is still in the dog house from partying at Sundance,” sabi ng source. “Kourtney disinvited him.”

Namataan si Disick sa Sundance Film Festival‘s annual TAO pop-up sa Park City, Utah nitong weekend habang uminom ng vodka cocktails at nakikipag-usap sa “very Kendall Jenner-like,” brunette, ayon sa source.

“(She) hung on his every word,” kuwento ng source. “At a couple points in the night, he would briefly put his arm around her waist — but she seemed more into it than he was.”

Sa kabila ng pinagdadaanan nina Kourtney at Disick, sinusubukan pa rin nila ayusin ang kanilang relasyon bilang magulang ng kanilang tatlong anak.

Si West naman, saad ng source, ay “never supposed to come. He is busy working on his music in LA.”

Simula nang mapagnakawan sa Paris si Kim noong Oktubre at maospital ang asawa sanhi ng labis na pagkahapo noong Nobyembre, humarap sa matitinding pagsubok ang mag-asawa, kabilang ang mga haka-haka na naghiwalay na sila.

Gayunman, mukha naman nakatuon pa rin ang atensiyon ng dalawa sa isa’t isa at sa kanilang relasyon.

“Kanye is really trying to please Kim,” saad ng source sa People. “He realizes that his difficult behavior has been extremely draining for her. He is trying to make it up to Kim by going along with things that are important to her.

The show is still important to Kim, so Kanye will support her.” (People.com)