NAMATAAN sa unang pagkakataon si Janet Jackson na malusog at masaya pagkaraan ng tatlong linggo simula nang isilang ang kanyang baby boy na si Eissa Al Mana.

Nakita ang 50-anyos na singer na nagsa-shopping sa baby boutique na Blue Almonds, sa London, England noong Martes, na nakasuot ng itim na damit na may fur at high-top sneakers. Nakasuot din si Jackson ng simpleng updo at chic glasses.

Dumating si Janet sa shop kasama ang isang kaibigan, at bumili ng mga damit na pambata, kuwento sa ET ng nakakita sa kanya. “Janet seemed in high spirits,” sabi nito.

Popular ang Blue Almonds sa mga celebrity, at maging sa royalty –nagtungo na rin doon si Kate Middleton noong 2013, at bumili ng wicker basket para sa kanyang anak na si Prince George, kasama ang kanyang ina na si Carole Middleton.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nanganak si Janet noong Enero 3. Si Eissa ang unang anak ng Rhythm Nation singer at ng kanyang asawang si Wissam Al Mana, 42. “Janet had a stress-free healthy delivery and is resting comfortably,” saad sa pahayag ng kinatawan ng mang-aawit sa ET nitong unang bahagi ng buwan.

Noong Abril, ipinangako ni Janet na ipagpapatuloy niya ang kanyang tour na nakansela dahil sa kanyang pagdadalantao.

Pagkaraan ng isang buwan, dalawang linggo bago sumapit ang kanyang 50th birthday, nakumpirma ng ET na buntis siya.

“Please, if you could try and understand that it’s important that I do this now,” tweet niya para sa kanyang mga tagahanga. “I have to rest up, doctor’s orders. But I have not forgotten about you. I will continue the tour as soon as I possibly can.” (ET Online)