SA pagkawala ng ilang mga key player, inaasahang kikilos ang nalalabing beterano ng defending champion De La Salle Lady Spikers sa kanilang title retention bid sa women’s division ng UAAP Season 79 volleyball tournament.

Ngunit, taliwas sa inaasahan, sinabi ni last season Finals MVP Kim Dy na sa halip na pressure, pananabik at excitement ang kanyang nadarama .

Sinasabing nakatuon ang pansin ng lahat ngayon kay Dy at sa kanyang katokayo na si Kim Fajardo kung paanong dadalhin ng kanilang tambalan ang mabigat na responsibilidad upang pangunahan ang kampanya ng Lady Spikers.

Malaking puwang ang iniwan ng pagkawala nina Ara Galang, Mika Reyes at Cyd Demecillo, ngunit ayon kay Dy ayaw nilang isipin ang kinakaharap na pressure sa darating na torneo.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

Bukod kay Fajardo, nariyan pa rin at maaasahan sina libero Dawn Macandili at Majoy Baron.

Hindi rin iniisip ng Lady Spikers na kakulangan ang kawalan nila ng exposure at training abroad dahil naniniwala silang sapat ang naging exposure ng koponan sa mga nilahukang preseason local tournaments.

Walang laro ang Lady Spikers sa opening day sa Pebrero 4.Nakatakda nilang simulan ang kanilang kampanya kinabukasan -Pebrero 5 kontra Far Eastern University. (Marivic Awitan0