Aljur copy copy

INAKALA naming man of few words si Aljur Abrenica nang makaharap namin sa Hall of Justice noong kasagsagan ng gusot nila ng GMA-7 dahil sobrang tahimik at bilang lang sa mga daliri ang sinasabi.

Pero sa panayam ng PEP sa kanya, diretsahan niyang sinabing, “Nabastusan talaga ako sa nangyari!” na ang tinutukoy ay ang pangunguna raw sa kanila ng talent management agency ng future wife niyang si Kylie Padilla na i-announce na buntis ito.

Matagal nang naba-blind item na nagdadalantao si Kylie dahil nakita siyang nagpa-check up sa isang OB-Gyne sa St. Lukes Hospital hanggang sa tinukoy na nga ang pangalan niya earlier this week.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Isa kami sa mga nangulit kay Ms. Betchay Vidanes ng Vidanes Celebrity Marketing (manager ni Kylie) kung totoong buntis ang alaga niya pero hindi siya sumasagot at minsang natiyempuhan namin siya ay sumagot lang siya ng, “Hindi naman masamang magpa-check up sa isang Ob-Gyne dahil kailangan naman iyon maski walang asawa” na totoo naman talaga.

Lumipas pa ng isang linggo bago naglabas ng official statement ang manager ni Kylie na kasabay na rin ang announcement sa “engagement of Ms. Kylie Padilla ang Mr. Aljur Abrenica.”

Saka lang nakumpirmang totoo nga ang tsika.

Hindi naman siguro maglalabas ng official statement ang talent management agency ni Kylie kung wala siyang pahintulot o ang sinuman sa mga Padilla.

Nakakagulat ang binitiwang salita ni Aljur tungkol sa manager ni Kylie na puwede naman niyang kausapin na lang nang personal kung hindi niya nagustuhan na inunahan sila o naunahan sila. Pero para isapubliko na ‘nabastusan siya’ ay hindi magandang pakinggan lalo’t siya ang lalaki.

Parang ang lumalabas pa nito, pinag-aaway niya sina Kylie at Betchay.

Sa interbyu kina Aljur at Kylie, detalyadong ikinuwento ng una kung paano sila nagkabalikan ni Kylie. Pati ang pagsasama nila sa iisang bahay ay detalyado rin, para raw malaman nila kung compatible sila o hindi. Paano pala kung hindi?

Anyway, tatlong beses daw nag-propose si Aljur sa aktres at waiting na lang siyang makausap ang ama nitong si Robin Padilla na alam niyang hindi boto sa kanya.

Ang tanong ng bayan, saan at paano ikakasal sina Aljur at Kylie dahil alam naman ng lahat na Muslim ang dalaga. Willing ba ang aktor na magpa-convert sa Islam?

Nakasalubong namin sa ABS-CBN kamakailan si Ms. Betchay at talagang iniiwasan niya ang mga tanong namin tungkol sa dalawa, kung paano sila ikakasal at kung ano ang sabi ni Robin.

“Wala akong maisasagot sa ‘yo, Reggee, wala ako sa posisyon. Sila (Kylie at Aljur) na lang kausapin mo,” sagot ng manager din ni Binoe.

Nagpa-set kami ng interview kay Robin pero ngumiti lang sa amin si Ms. Betchay.

Nabasa naming nagkausap na sina Kylie at Robin, pero walang binanggit tungkol sa kasal at kung kailan at saan.

(REGGEE BONOAN)