Dalawang katao ang natagpuang patay at sunog na sunog sa loob ng isang tupok na kotse sa Barangay Balinsasayao, Abuyog, Leyte kahapon.

Nag-iimbestiga ang Abuyog Municipal Police sa pagkakakilanlan ng dalawang hindi pa nakikilalang biktima na natagpuang sunog sa loob ng isang kotse sa Sitio Taga-abaca sa Bgy. Balinsasayao.

Sinabi ni Supt. Franco Simborio, director ng Leyte Police Provincial Office, na hindi makilala at hindi rin matukoy ang kasarian ng mga biktima dahil sunog na sunog ang buong mukha at katawan ng mga ito.

Aniya, batay sa chassis ng kotse ay nabatid na pagmamay-ari ito ng isang Ferdinand Remulado, ng Tagbilaran, Bohol.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

(Fer Taboy)