Tuluyan nang naaresto ang isang lalaki na dalawang beses umanong hinalay ang sarili niyang kaibigan matapos itong mamataan sa kanilang lugar sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Police Sr. Supt. Ronaldo Mendoza, hepe ng Valenzuela Police, ang naarestong suspek na si John Mar Acardo, 23, ng No. 38 Gumamela Street, Barangay Marulas ng nasabing lungsod.

Sa record ng pulisya, si Acardo ang itinuturong suspek sa panggagahasa kay “Siena”, 17, matapos nilang mag-inuman sa isang okasyon noong Hulyo 2016.

Nang malaman ni Acardo na inihabla siya ng mga magulang ng biktima, nagtago na siya sa batas habang nagbunga ang ginawa niyang pang-aabuso sa kaibigan.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Bandang 3:00 ng hapon, tumawag ang isang impormante kina PO2 John Bagunas at PO3 Roberto Santillan ng Follow-up Division at nakitang nakatambay si Acardo sa kanilang lugar.

Bitbit ang warrant of arrest, pinuntahan ng dalawang pulis ang suspek at tuluyang inaresto. (Orly L. Barcala)