Daniel copy copy

KUNG noon daw ay dinidedma ng mommy ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla, ngayon naman ay kabaligtaran na.

May katwiran naman daw ang hindi niya pagkibo noon sa ka-love team ng anak na nagsimula noong kasagsagan ng isyu sa binata kay Jasmine Curtis. Mag-iisang taon daw na hindi niya kinikibo ang actor.

Pero nakita raw ng mommy ni Kath ang sobrang pagtitiyaga ni Daniel sa dalaga niya. Kitang-kita raw niya kung paano inaalagaan ni Daniel si Kathryn at dagdag pa ‘yung sobrang panunuyo sa kanya ng binata ni Karla Estrada.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

“Ang tiyaga talaga niya. Hindi siya sumuko at pinatunayan niya na talagang mabuti siyang tao at sobrang inalagaan niya ang anak ko,” sey ni Mommy Min.

Sa tagal din daw ng pinagsamahan nina Kathryn at Daniel, walang dudang maipagkakatiwala niya ang anak niya sa huli.

Kitang-kita rin niya ang katapatan ng actor kay Kathryn.

Kahit wala pang pormal na pag-amin sa tunay na relasyon sina Kathryn at Daniel, hindi naman maipagkakaila sa kilos nila totoo. Hindi na kaduda-duda ‘yun at hindi na nila kailangang ipagsisigawan pa sa publiko.

Sina Kathryn at Daniel ang bida sa bagong seryeng La Luna Sangre ng Star Creatives business unit at dito nila muling patutunayan na malakas pa rin ang tambalan nila.

Gagawin din nila ang follow-up movie ng blockbuster hit nilang Barcelona, ang When I Fall In Love. Malamang daw na sa susunod na buwan na mag-umpisa ang shooting nito. (JIMI ESCALA)