Naniniwala ang pulisya na mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nagpasabog ng bomba sa convoy ng pulisya sa Maguindanao nitong Miyerkules.

Sinabi ni Senior Supt. Agustin Tello, hepe ng Maguindanao Police Provincial Office (MPPO), na sakay sila sa convoy ng patrol car patungong Barangay Tukanalipao sa Mamasapano upang bisitahinang encounter site ng Special Action Force (SAF) nang biglang sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa gilid ng kalsada sa Bgy. Nabundas, Shariff Saydona Mustapha.

Masuwerte namang walang tinamaan sa convoy ni Tello dahil ilang metro nang nakalagpas ang convoy sa lugar nang mangyari ang pagsabog.

Nangyari ang insidente sa ikalawang taon ng paggunita sa pagkasawi ng 44 sa SAF sa engkuwentro sa Mamasapano noong Enero 25, 2015. (Fer Taboy)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol