LUPAO, Nueva Ecija – Isang barangay chairman at dalawang kagawad na pawang high-value target (HVT) ng pulisya sa pagkakasangkot umano sa droga ang naaresto ng mga operatiba ng Nueva Ecija Police Intelligence Branch (PIB) ng Nueva Ecija Police Provincial Office-Provincial Public Safety Company (NEPPO-PPSC), sa magkahiwalay na operasyon.

Sa ulat ni Chief Insp. Alexander Aurelio, hepe ng PIB, kay NEPPO Director Senior Supt. Antonio C. Yarra, kinilala ang mga naaresto na sina Lou Salvador, 50, chairman ng Barangay Poblacion West;

Jonathan Sinagose, kagawad ni Salvador; at Joven Dadag, kagawad ng Bgy. Mapangpang, parehong sa Lupao, Nueva Ecija.

Ayon kay Yarra, si Salvador ay ranked number three sa HVT sa droga sa Nueva Ecija, habang number two si Sinagose at number one si Dadag.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa bisa ng search warrant, nakumpiskahan si Salvador ng ilang piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu, gayundin kina Dadag at Sinagose, na nakuhanan pa ng 27 bala ng .22 caliber revolver. (Light A. Nolasco)