AKLAN – Nahaharap sa mga kaso ng human trafficking ang dalawang empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa Kalibo International Airport sa Aklan.

Kinumpirma ni Aklan Provincial Prosecutor Maya Tolentino na nakasuhan na sina Maria Mikhaila Mabulay at Faisah Rosales Pandita, na naaresto nitong Enero 19 sa pagsagip sa apat na katao mula sa Luzon na paalis sana ng bansa mula sa paliparan.

Ayon kay Tolentino, kinasuhan ang dalawa sa hindi pagpatalima sa tamang proseso sa pagdodokumento ng mga paalis na overseas Filipino worker, isang malinaw na senyales na maaaring kasabwat ang mga ito sa human trafficking.

(Jun N. Aguirre)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar