ISANG linggo bago ganapin ang pinakaaabangang beauty pageant sa buong mundo, sold out na ang tickets para sa Miss Universe coronation night na magaganap sa Mall of Asia, Pasay City sa Enero 30.

Kinumpirma ito ni Department of Tourism (DoT) undersecretary for Media Affairs Kat de Castro sa kanyang social media account kahapon.

“The tickets for the coronation show are now sold out,” ani De Castro sa kanyang opisyal na Twitter account.

Nagsimulang ibenta ang ticket noong Disyembre 20.

Arra San Agustin, 'di magets bakit nanonood ng porn mga lalaking may partner na

Nagkakahalaga ng P50,000 ang VIP, P25,000 ang Lower Box A, P23,800 ang Lower Box B, P4,800 ang Upper Box seat, at P2,000 naman ang General Admission tickets.

Ibo-broadcast din ang pageant sa buong mundo. (PNA)