TRULILI kayang may unawaan na ang kilalang aktres at baguhang aktor?

May taga-production na nagkuwento sa amin na super close sa isa’t isa ang dalawa kapag nasa set ng teleseryeng pinagsasamahan nila.

“Feeling namin sila na, kasi ‘pag nag-uusap silang dalawa lang, minsan nandoon ang yaya ni _____ (aktres), pinapalabas niya.

“’Tapos sweet sila pareho at hindi put on ‘yung nakikitang sweetness nila kapag may mall show sila, kasi sila talaga ‘yun.

Tsika at Intriga

'My face card at 9 years old!' Andrea flinex throwback pics noong 'nene' pa

“Actually, nasabi naman dati ni _____ (aktres) na gusto niya si _____ (baguhang aktor), di ba? Ikaw ba naman lalaki tatanggi ka pa ba kung babae na nagpapakita ng motibo?” kuwento sa amin ng taga-ABS-CBN.

Seryoso ba sila, kasi parang pang-promo lang naman sa show.

“Maski off-camera, sweet sila,” sabi sa amin.

Maraming may gusto sa kilalang aktres na kaedaran niya, pero hindi na itinuloy ang panliligaw kasi nga very vocal siya na gusto niya ang baguhang aktor. (Reggee Bonoan)