Dinisarmahan at nakatakdang imbestigahan ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang dalawang pulis-Maynila na inireklamo ng pangingikil sa San Andres Bukid, Manila noong Enero 21, 2017.
Ayon kay Police Chief Inspector Arsenio Riparip, hepe ng MPD-GAIS, pagpapaliwanagin niya sina PO1 Dennis Kias at PO1 James Rivera, kapwa nakatalaga sa MPD-Station 6 (Sta. Ana) dahil sa umano’y pangongotong sa tsuper na si Jun Porcare, driver ng Christ the King College sa Calbayog, Samar.
Ayon kay MPD chief of staff Police Senior Supt. Bartolome Bustamante, bukod sa kasong administratibo at paglalagay sa restrictive custody, nanganganib ring masibak sina Kias at Rivera, sakaling mapatunayang totoo ang reklamo ni Porcare. (Mary Ann Santiago)