TARGET ng San Sebastian na makumpleto ang ‘sweep’ sa pakikipagtuos sa defending champion St. Benilde, habang sisikapin ng Perpetual Help na mapanatiling buhay ang kampanya sa pagtatapos ng elimination round ng 92nd NCAA women’s volleyball tournament ngayon sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City.
Pinasuko ng Lady Stags ang Lyceum of the Philippines U Lady Pirates, 25-21, 25-19, 25-17, nitong Lunes para manatiling imakulada (8-0) at ang pagwawagi sa matikas na Lady Blazers ganap na 11:00 ng umaga ang magdadala sa recto-based belles sa awtomatikong championship berth at bentaheng ‘thrice-to-beat’.
Hindi sinasadya, nasa parehong sitwasyon ang San Sebastian sa nakalipas na season kung saan nawalis nila ang elimination, ngunit nabigo sa St. Benilde sa champsionship.
“We’ve been waiting for this game, we hope to do better this time,” sambit ni San Sebastian coach Roger Gorayeb.
Hindi lamang ang maunsiyami ang pagdiriwang ng Lady Stags ang pakay ng Lady Blazers kundi ang masiguro ang puwesto sa Final Four.