MARIA ISABEL copy

NAGBIGAY ng reaksiyon si Maria Isabel Lopez tungkol sa pagkuha ng interpreter ng ating kandidatang si Maxine Medina para sa question and answer portion ng pageant night ng 65th Miss Universe sa Enero 30.

“Wala pa naman tayong precedent na ang Miss Philippines ay kumuha ng interpreter in any pageant around the world even in the past,” sabi ng beauty queen turned actress. “Wala rin naman tayong batas na nagsasabing bawal ’yun.

“So, if ever, Maxine will be the first one to do it and she has every right to do it. Kung hindi mo ma-express maigi ang answer mo or baka kabahan ka or you’re not confident enough, you’re always free to get an interpreter.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“But like what Gloria Diaz (Miss Universe 1969) said, it’s one in a million chance for her as being the host country.

So, good luck na lang sa ating candidate.” (REGGEE BONOAN)