Miss Sierra Leone Hawa Kamara
Miss Sierra Leone Hawa Kamara

KALIBO, Aklan – Malaking tulong ang pagsasagawa ng Miss Universe sa Pilipinas para makilala ang ilang baguhang Pinoy designers.

Isa na sa mga ito si Jeff Silvestre, 23 anyos, na nagtatrabaho sa isa sa mga spa sa Kalibo. Kuwento ni Jeff, may taga-Sierra Leone kasing nag-post sa social media para magpatulong. Kaagad namang rumesponde ang ilang Pinoy designers sa Manila. Kasama si Silvestre sa binuong glam team para matulungan si Hawa Kamara, ang kinatawan ng Sierra Leone sa Miss U.

Ito ang unang pagkakataon na sumali ang Siera Leone sa Miss Universe.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Isa si Jeff sa nag-training kay Miss Siera Leone ng pagmi-make up, posture at public relations. Itinuturing niyang break ang kanyang pagkasali sa glam team ng isang Miss Universe contestant.

Unang nakilala ng publiko si Jeff nang mai-feature sa isa sa mga segment ng Kapuso Mo, Jessica Soho noong 2016. Siya ang nag-design ng wedding dress ng ikinasal na dalawang pipi sa Nabas, Aklan. (JUN N. AGUIRRE)