APAT NA SANG'GRE copy

SINO nga kaya ang magpapaalam na sa apat na Sang’gre ng Encantadia at sino ang mga bagong characters na papasok?

Ito ang nabuong tanong sa nakakaintrigang post ni Direk Mark Reyes sa Instagram na nagpapakita sa apat na Sang’gre.

“Nanindigan, nagkamali, tumibay” masasagip ba ni Sang’gre Danaya (Sanya Lopez) ang kanyang buhay?

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Nagmahal, nasaktan, nagparaya” matutuldukan na ba ang pagdurusa ni Sang’gre Alena (Gabbi Garcia)?

“Lumaban, nabigo, bumangon” makaliligtas bang muli ang Hara ng Lireo, si Amihan (Kylie Padilla)?

“Naghangad, nagtaksil, tinalikuran” ito na ba ang huling laban ni Sang’gre Pirena (Glaiza de Castro)?

Kasama ito sa sinabi ng produksiyon na maraming pagbabagong magaganap sa Encantadia kasabay ng announcement na muling na-extend ang airing ng telefantasya primetime block ng GMA-7.

Tiyak na marami ang Encantadiks na malulungkot dahil mas gusto nilang buo pa rin ang apat na Sang’gre hanggang sa pagwawakas ng telefantasya na napapanood pagkatapos ng 24 Oras gabi-gabi.

Matatandaan na sa original na Encantadia noong 2005 ay si Sang’gre Danaya lamang ang nanatiling buhay.

Sundan pa rin kaya ito ng writers at ni Direk Mark Reyes sa version ngayon? (NORA CALDERON)