GINAPI ng San Sebastian ang Lyceum of the Philippines University, 25-21, 25-19, 25-17, kahapon upang lumapit sa minimithing ‘sweep’ sa double elimination ng 92nd NCAA women’s volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Kumana sina reigning back-to-back MVP Grethcel Soltones at Joyce Sta. Rita ng tig-13 hit para sandigan ang ikawalong sunod na panalo ng Lady Stags. Kakailanganin nilang manalo sa defending champion St. Benilde sa Miyerkules para makamit ang outright final berth.

Hindi sinasadya, ganito rin ang naging kapalaran ng Lady Stags sa elimination, subalit hiniya sila ng Lady Blazers sa finals.

“Our focus is in that one game against St. Benilde and we have a day to prepare for it,” pahayag ni San Sebastian coach Roger Gorayeb.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Natamo ng Lyceum ang ika-apat na kabiguan para mabigong makasampa sa Final Four.

Naglalaban para sa nalalabing slot sa semifinals ang St. Benilde (6-3), San Beda (6-3) at Perpetual Help (5-3).