Ibinunyag kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa na isa pang Korean ang dumanas ng robbery-hold up sa kamay ng mga tiwaling pulis sa Angeles City, Pampanga noong nakaraang buwan.

Ayon kay Dela Rosa, ibinalita sa kanya ng Police Regional Office (PRO)-3 nito lamang Linggo ng gabi na ilang pulis mula sa Angeles City ang sangkot umano sa panghoholdap sa isang Korean nitong Disyembre.

“Mayroon na namang Korean na biktima. Nangyari ito last December. Ewan ko kung ilang pulis ang involved,” sabi ni Dela Rosa.

Sinabi ni Dela Rosa na hinihintay pa niya ang kumpletong report ng PRO-3 tungkol sa nasabing insidente.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nangako rin si Dela Rosa na wala siyang itatagong detalye sa gagawing imbestigasyon sa insidente.

“No cover up, ‘wag kayong mag-alala,” sabi ni Dela Rosa. “Ang cover-up na gagawin natin, eh, i-cover up natin ng lupa ‘yang mga pulis na ‘yan!” (Fer Taboy)