NEW YORK (Reuters) - Ibinalik ni U.S. President Donald Trump noong Lunes ang pandaigdigang gag rule na nagbabawal sa U.S.-funded groups sa buong mundo na talakayin ang abortion.

Tinatawag na “Mexico City Policy”, ginamit ito ng mga incoming president upang ipahiwatig ang kanilang posisyon sa abortion rights. Nilikha ito sa ilalim ni U.S. President Ronald Reagan noong 1984.

Nilagdaan ni Trump, kilalang anti-abortion, ang pagbabalik ng direktiba sa isang seremonya sa White House sa ikaapat na araw niya sa puwesto. Noong 1993, binawi ni President Bill Clinton ang gag rule ni Reagan. Ibinalik naman ito ni President George W. Bush noong 2001, at muling inalis ni President Barack Obama noong 2009.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline