KALIBO, Aklan - Apat na overseas Filipino worker (OFW) ang nailigtas ng awtoridad laban sa human trafficking sa loob ng Kalibo International Airport.

Ayon kay Arlyn Siatong, OIC ng Department of Labor and Employment (DoLE), lumapit sa kanilang tanggapan ang dalawa sa mga OFW na galing sa Pampanga at Isabela para sabihing naghihinala sila sa proseso ng kanilang recruiter.

Nagtakda ng entrapment operation ang DoLE kasama ang pulisya at Inter Agency Council Against Trafficking at naaresto ang tatlong hinihinalang illegal recruiter, isang tricycle driver at isang porter. Kinuwestiyon din ng DoLE ang dalawang immigration officer sa posibleng pagkakasangkot sa human trafficking.

Sa Facebook nakilala ng mga biktima ang mga naaresto, ayon kay Siatong. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol