Niyanig ng halos 6.0 magnitude na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental, nitong Sabado ng hapon.

Dakong 1:16 ng hapon nang maramdaman ang 5.6 magnitude na lindol sa layong 44 na kilometro sa timog-silangan ng Sarangani.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol na negatibo sa aftershocks.

Wala ring naiulat na nasalanta sa pagyanig. (Rommel P. Tabbad)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito