PINATATAG ng De La Salle-Zobel at defending champion Far Eastern University-Diliman ang katayuan tungo sa inaasam na championship match nang gapiin ang kani-kanilang karibal sa elimination round ng UAAP juniors football tournament nitong Sabado sa Moro Lorenzo Field.

Binokya ng Junior Archers ang Ateneo Eaglets, 6-0, para patatagin ang kapit sa No.1 tangan ang maximum 15 puntos at makalapit sa hinahangad na two-round sweep sa elimination.

Wala ring patawad ang Baby Tamaraws sa pagsibak sa University of Santo Tomas, 5-1, para sa kabuuang 12 puntos.

Magtutuos ang De La Salle-Zobel at FEU-Diliman sa finals preview sa 4 ng hapon sa Sabado.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Nakatakda naman ang one-game championship ng Junior Archers at Baby Tamaraws sa Pebrero 4 ganap na 7:00 ng gabi sa Rizal Memorial Stadium. Magtutuos naman ang Blue Eaglets at Tiger Cubs para sa ikatlong puwesto sa 2:00 ng hapon.

(Marivic Awitan)