MARAMI ang naintriga sa caption ng Alyas Robin Hood star na si Cherie Gil sa kanyang isang Instagram photo na may kasama siyang guwapong lalaki.

Ang nakasaad kasi: “And His feet touches the ground while he holds me safe and loved.”

Pero naaliw naman ang mga nakakakilala sa kanya at sa pamilya niya nang makita ang pinagkakaguluhang picture. Dahil si Raphael pala ito, ang kanyang guwapong anak na umuwi kamakailan ng Pilipinas from New York.

Samantala, intriguing din ang mga susunod na eksena ni Cherie sa Alyas Robin Hood bilang Maggie na kabadung-kabado na sa kanyang tuluyang pagbagsak.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Makabawi pa kaya siya at ng kanyang anak na si Dean (Sid Lucero)?

Walang patid ang hatid na kilig sa mga susunod na episodes ng serye dahil umamin na si Pepe (Dingdong Dantes) sa kanyang tunay na nararamdaman kay Venus (Andera Torres). Ang problema, naamin niya ito habang natutulog ang dalaga.

Inaabangan ng mga manonood kung masasabi pa niya ito kay Venus ngayong gusto na siyang patayin nito dahil sa nangyari sa kanya sa Sinukuan.