Channing Frye,LeBron James,Kawhi Leonard

Cleveland, olat sa San Antonio Spurs sa overtime.

CLEVELAND (AP) — Wala ang premyadong playmaker. Hindi rin nakalaro ang pambatong center ng San Antonio. Ngunit, sa matikas na Spurs, walang dapat alalahanin maging ang karibal ay ang defending NBA champion.

Naisalansan ni Kawhi Leonard ang career-high 41 puntos, habang kumubra si LaMarcus Aldridge ng 16 puntos at 12 rebound, para sandigan ang Spurs sa impresibong 118-115 panalo sa overtime kontra Cavaliers.

Human-Interest

Beking nakabuntis ng tibo, 'di apektado sa hanash ng ibang tao: 'Close ba tayo?'

Hindi nakalaro sa Spurs sina Frenchman Tony Parker at Spaniard slotman Pau Gasol dahil sa injury.

Hataw si Leonard sa naiskor na anim na puntos sa OT, kabilang ang game-sealing dunk may 4.9 segundo sa laro. Nag-ambag si David Lee, starter bilang kapalit ni Gasol, ng 14 puntos para sa 18-4 record ng Spurs sa road game.

Nanguna sina LeBron James at Kyrie Irving sa Cavaliers sa naiskor na tig-29 puntos.

BULLS 102, KINGS 99

Sa Chicago, ratsada si Dwyane Wade sa naiskor na 30 puntos at dalawang steal sa krusyal na sandali, habang kumana si Jimmy Butler ng 23 puntos sa panalo ng Bulls kontra Sacramento Kings.

Nabalewala ang career-high 42 puntos ni Kings star forward DeMarcus Cousins.

Binasag ni Wade, umiskor ng 13 puntos sa fourth quarter, ang huling pagtabla sa 99 mula sa breakaway dunk. Naselyuhan ang panalo ng Bulls sa isa pang steal ni Wade na naging daan para sa breakaway basket ni Michael Carter-Williams.

TRAIL BLAZERS 127, CELTICS 123, OT

Sa Boston Garden, naunsiyami ang pagdiriwang ng home crowd nang mailusot ng Portland TrailBlazers ang panalo sa Celtics sa overtime.

Nakumpleto ni Damian Lillard ang three-point play may 47 segundo sa overtime para selyuhan ang panalo na pumutol sa four-game losing skid ng Portland. Hataw si Lillard sa natipang 28 puntos.

Nag-ambag si CJ McCollum ng 35 puntos para sa Portland.

Kumubra si Isaiah Thomas ng 41 puntos – ika-14 na pagkakataon na mahigit sa 30 puntos ngayong season – habang kumana sina Marcus Smart at Al Horford ng tig-17 puntos para sa Celtics, sumadsad sa ikalawang sunod na kabiguan.

ROCKETS 119, GRIZZLIES 95

Sa Memphis, Tennessee, naitala ni Sam Dekker ang career-high 30 puntos, habang kumasa si James Harden ng 29 puntos at 10 assist sa panalo ng Houston Rockets kontra Grizzlies.

Kumikig din si Eric Gordon ng 21 puntos para sa Rockets na sumambulat sa fourth period para maitarak ang 20 puntos na bentahe.

Nanguna sa Grizzlies si Marc Gasol sa natipang 32 puntos, habang umiskor si Mike Conley ng 15 puntos.

NUGGETS 123, CLIPPERS 98

Sa Denver, ginapi ng Nuggets, sa pangunguna ni Nikola Jokic na tumipa ng 19 puntos, ang kulang sa player na Los Angeles Clippers.

Kumubra ng tig-18 puntos sina Danilo Gallinari, Will Barton at Wilson Chandler para sa ikaapat na panalo sa huling limang laro ng Nuggets.

Natikman ng Clippers ang ikalawang sunod na kabiguan sa pagsisimula ng Enero matapos ang seven-game streak bago na-injury sina Chris Paul (thumb injury) at Blake Griffin (right knee).

Nanguna si Marreese Speights sa Clippers sa naiskor na 18 puntos, habang humirit sina Austin Rivers at DeAndre Jordan ng 16 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod.

SUNS 107, KNICKS 105

Sa New York, naisalpak ni Devin Booker ang go-ahead three-pointer sa huling 31 segundo para sandigan ang Phoenix Suns kontra Knicks.

Kumubra si Booker ng kabuuang 26 puntos, habang kumawala si Eric Bledsoe sa natipang 23 puntos at kumubra ng tig-15 puntos sina P.J. Tucker at Marquese Chriss .

Nanguna si Carmelo Anthony sa Knicks sa naiskor na 31 puntos, habang umiskor si Derrick Rose ng 26 puntos.

HEAT 109, BUCKS 97

Sa Miami, naitala ni Dion Waiters ang career-high 33 puntos para gabayan ang Heat kontra sa sumasadsad na Milwaukee Bucks.

Hinilot ni Bucks coach Jason Kidd ang kanyang lineup, ngunit walang nabago at nakamit ng Bucks ang ikalimang sunod na kabiguan.

Nag-ambag si Goran Dragic ng 25 puntos sa Heat, habang kumana si Hassan Whiteside ng 16 puntos at 15 rebound.

Nanguna sa Bucks si All-Star starter Giannis Antetokounmpo sa naiskor na 24 puntos at 10 rebound.

JAZZ 109, PACERS 100

Sa Salt Lake City, kumana si George Hill ng season-high 30 puntos sa panalo ng Utah Jazz kontra Indiana Pacers.

Ito ang unang laro ni Hill laban sa dating koponan mula nang ma-itrade nitong summer.

Nanguna si Paul George sa Pacers sa naisalansan na 19 puntos bago napatalsik sa laro may 6:41 sa fourth period.

Sa iba pang laro, nagwagi ang Detroit Pistons kontra Washington Wizards, 113-112; ginapi ng Charlotte Hornets ang Brooklyn Nets, 112-105; at dinakit ng Atlanta Hawks ang Philadelphia Sixers, 110-93.