IMELDA copy

SI Imelda Papin ang nahalal na bagong presidente ng Kapisanan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon (KAPPT).

Kaya ngayon pa lang ay may mga magtataas na raw ng kilay sa pagkakapanalo niya dahil mas kilala nga naman siya bilang singer kaysa pagiging artista.

Pagtatanggol ng isang katoto na malapit kay Imelda, may mga pelikula rin naman daw na nagawa noon ang Queen of Sentimental Songs. Katunayan, nakapareha pa nga raw ni Imelda si Fernando Poe Jr. sa isang pelikula.

Mga Pagdiriwang

Philippine Book Festival, sinimulan na!

“Sa totoo lang, kahit mas kilala siya bilang singer, eh, may mga tinutulungan din naman ‘yan na mga artista at very active member pa rin si Imelda ng actor’s guild. Kaya naman marami ang pumabor sa kanya para maging pangulo ng KAPPT,” sey sa amin ng beteranang manunulat.

Pinalitan ni Imelda Papin si Rez Cortez na mananatili naman isa sa mga board member at hawak din nito ang chairmanship ng membership committee.

Sa pagkakaalam ng aming source, si Dina Bonnevie ang mahigpit na nakalaban ni Imelda para sa KAPPT presidency. Pero kahit natalo ay nagpahayag naman daw si Dina na more than willing siyang tumulong sa mga proyekto ng kapisanan at gusto pa rin daw ng aktres na mapasama bilang board member.

Bukod kay Imelda Papin, ang iba pang mga bagong opisyales ng KAPPT ay sina Amay Bisaya (VP for international affairs), Ricardo Cepeda (VP for external affaairs), Lyn Madrigal (treasurer), Direk Perry de Guzman (secretary), at sina Jess Lapid Jr. at Val Iglesia ang ilan sa mga nanalo bilang board members.

Samantala, tuloy pa rin daw ang inihaing protesta si Imelda Papin against sa nakalaban niya bilang kongresista ng Camarines Sur na si Rep. Arnulfo Fuentebella na tumalo sa kanya nitong nakaraang eleksiyon. (JIMI ESCALA)