ALIAGA, Nueva Ecija - Tadtad ng tama ng bala ang isang 48-anyos na magsasaka nang matagpuang nakahandusay sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Sto. Tomas sa bayang ito.

Sa ulat ni Chief Insp. Rex Perocho, hepe ng Aliaga Police, kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Antonio C. Yarra, nakilala ang biktimang si Ricardo Ulip Agunoy, residente ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon, dakong 4:00 ng umaga nitong Martes nang dumating ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek, na kapwa nakasuot ng bonnet at itim na jacket, at isa sa mga ito ang pumasok sa loob ng bahay ng noon ay natutulog na si Agunoy at pinagbabaril ito bago tumakas. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog