MAGTATANGHAL sina John Legend, Carrie Underwood, Keith Urban, at Metallica sa Grammy Awards sa Los Angeles sa susunod na buwan.

Parehong pasok sina Underwood at Urban sa Grammys ngayong taon. Nominado ang Church Bells ni Underwood at Blue Ain’t Your Color ni Urban para sa best country solo performance. Pasok din ang Ripcord ni Urban para sa best country album.

Nominado naman ang Metallica singer na si James Hetfield at drummer na si Lars Ulrich sa kanilang Hardwired para sa best rock song.

Tutukuyin ang iba pang mga magtatanghal sa Pebrero 12. Ipalalabas ito sa CBS at host ang Late Night Show na si James Corden. (AP)
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter