Adele copy

MAGTATANGHAL si Adele sa Grammy Awards, na may nominasyon sa kanya para sa mga kategoryang album, song, at record of the year.

Inihayag ng Recording Academy nitong Biyernes na magtatanghal si Adele sa Pebrero 12 sa Staples Center sa Los Angeles. Kabilang sa mga nauna nang inihayag na magtatanghal din sina Metallica, Carrie Underwood, John Legend at Keith Urban.

Nagkaroon ng problema si Adele sa kanyang Grammy performance noong nakaraang taon nang malaglag ang mikropono sa loob ng piano at tumama sa strings nito.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ngayong taon, mayroong limang nominasyon ang 10-time Grammy winner kabilang ang album of the year at best pop vocal album para sa 25. Nominado naman ang kanyang No. 1 hit na Hello sa record at song of the year pati na rin sa best pop solo performance.

Ipapalabas sa CBS ang Grammys na iho-host ni James Corden. (AP)