PEPE copy copy

HEALTH daw ang dahilan ni Pepe Herrera kaya ipinapatay niya ang karakter niya bilang Benny sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Pagkatapos banggitin ni Coco Martin sa victory party ng The Super Parental Guardians na si Pepe mismo ang nagpapatay ng karakter niya dahil pupunta sila ng mama niya sa New Zealand, tinext namin si Pepe kung for good o bakasyon lang ang pagpunta nila sa nasabing bansa.

Nabasa kasi namin sa isang entertainment website na ‘move out’ ang terminong ginamit sa pag-alis nina Pepe at mama niya, kaya marami ang nag-akala na magtatagal sila sa New Zealand o kaya ay doon na sila maninirahan.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Nakakapanghinayang ang career na iiwanan ni Pepe kung totoong magtatagal siya sa NZ. Kung kailan siya napansin nang husto sa Probinsyano at marami na ring offers ay saka siya aalis.

Gustung-gusto ni Pepe ang showbiz, kaya nga niya iniwan ang pagiging seaman.

Perop mabuti’t ito ang sagot sa amin ni Pepe: “For vacation lang po.”

Anyway, sino man sa kanilang mag-ina ang may problema sa kalusugan kaya sila magbabakasyon ay wish naming gumaling na at maayos kaagad. (Reggee Bonoan0