Pinayuhan nina Senators Francis Escudero at Grace Poe si Presidential Communications Secretary Martin Andanar na gawin ang kanyang trabaho at huwag sisihin ang media na nag-uulat lamang sa mga aktibidad ng Pangulo.

Ito ang reaksyon ng dalawa sa pagbira ni Andanar, hepe ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), sa media hinggil sa isyu ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng batas militar.

“The PCOO should work harder and be more pro-active in clearly communicating with the press relative to the statements of the President,” ani Poe.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Sinabi naman ni Escudero na dapat harapin ni Andanar ang mga banat sa Pangulo. “Passing the buck is a knee-jerk reaction of novices, which Sec. Andanar is not.” (Leonel M. Abasola)