MARIS copy

NAKITA namin si Maris Racal na may kasamang non-showbiz guy at ang kaibigang magkarelasyon din sa Robinson’s Magnolia nitong Miyerkules ng gabi galing sa sinehan, pero hindi namin napansin kung anong pelikula ang pinanood nila.

Sa aming obserbasyon ay boyfriend ni Maris ang non-showbiz guy na guwapo naman.

Hindi man magkahawak-kamay habang naglalakad, halatang may relasyon sila dahil nu’ng pareho silang pumunta sa banyo ay hinintay ng young actress ang guy malapit sa pintuan ng men’s room. Kung wala silang relasyon, mas sasamahan siyempre ni Maris ang dalawa nilang kasama na naghihintay malapit sa elevator. At higit sa lahat, hindi mako-conscious ang dalaga habang tinitingnan siya ng mga tao.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Inisip namin na baka kapatid, pero hindi naman niya kamukha at higit sa lahat, naging conscious na rin ang dalawa habang naglalakad.

Teka, umamin na ba si Maris na may boyfriend siya o bawal dahil sa ka-love team niya. Sino nga ba ang ipa-partner sa kanya, Bossing DMB?

(Mamili ka lang, Manolo Pedrosa, Marco Gumabao o McCoy de Leon. Pero si McCoy na last niyang ka-love team, ipinareha na kay Elisse Joson na klik na klik sa fans ngayon. --DMB) (REGGEE BONOAN)