BIBIGYAN ng katatagan ng San Beda at Perpetual Help ang kampanya sa Final Four sa pakikipagtuos sa nanghihingalo na ring Mapua at Jose Rizal sa magkahiwalay na laro ngayon sa 92nd NCAA women’s volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Haharapin ng Red Spikers, kasosyo ang Lyceum of the Phiippines Lady Pirates sa No.4 spot tangan ang 5-3 karta, ang Lady Robins ganap na 10:30 ng umaga, asam ang panalo na magpapatatag sa kampanyang makasambot ng playoff.

Mapapalaban naman ang Lady Altas, nasa No.6 hawak ang 4-3 karta, kontra Jose Rizal Lady Bombers ganap na 12 ng tanghali.

Target ng Perpetual Help na mawalis ang huling dalawang laro kabilang ang laban sa No.2 Arellano (7-1) sa Enero 25.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

“We have take care of Jose Rizal first before we think of anything,” sambit ni coach Jose Acaylar.

Sa mens division, haharapin ng defending champion Perpetual Help (6-1) ang Jose Rizal (1-7). Magtutuos ang San Beda (6-2) at Mapua (5-3).